Kapihan Monologue 02
“Trenta minutos ko ng binabasa ang isang pahina pero wala pa rin akong maintindihan. Pakialam ko ba sa desentralisasyon sa lokal na pamahalaan? Ewan ko ba, pero siguro, pag tumatanda ka na, hindi na ganun katalas ang isip mo. Matalino naman ako nung nasa kolehiyo ako (mas mapagkumbaba din ako noon :p). Nagkaron na ata ako ng memory gap. Kailangan ko ng uminom ng anong gatas ba un? Alaska (ay mali, sa growth gap pala un. Ha!ha! sabagay kailangan ko rin un, kaya lang parang huli na). Ang hindi ko maintindihan bakit kailangang pagdaanan ko ulit ito. Pero ganun talaga, kung gusto kong umasenso sa karerang pinili ko. (taong gobyerno po ako). Hay, kailangang magbasa ulit. Pumipintig na naman ang sentido ko. Wala bang guwapo dito, pampagana man lang! ……..Naalala ko na! Sustagen Prime!!! May pag-asa pa ko.